10 KAKAIBANG BAHAY SA BUONG MUNDO

10 KAKAIBANG BAHAY SA BUONG MUNDO.


Magandang araw mga kaibigan, marahil ay karamihan sa atin ay simula palang ay pinapangarap na na magkaroon ng sariling bahay, para sa pamilya,o edi kaya ay para bakasyonan na kung saan ikaw ay talgang makakapag relax , kaya ngayun ang pag uusapan natin ay tungkol sa sampung kakaibang bahay na matatagpuan sa ibat-ibang panig  ng mundo na talaga naman ay kakaiba kompara sa normal na bahay na iyong madalas na makikita. Pero bago yan kung bago ka pa lamang sa ating channel at ang mga hilig mo ay mga videos na kagaya nito I click mo na yang subscribe button, pati narin yang notification bell para maging updated ka naman sa mga bagong videos na gagawin natin. So mga kaibigan simulan na natin.









1. TRANSPARENT HOUSE-, kung ikaw ay isang tipo ng tao na kung saan ay mas comportable ka kung iyong mas mapagmamasdan  mo ang magandang pagsikat ng araw ay talagang perpekto para sa iyo ang disenyo ng bahay na ito, ito’y idinesenyo ng isang japon na arkitekto na si Sou Fujimoto, ang kanyang disenyo ay hango sa kanilang mga ninunu na noon ay nakatira sa ibabaw ng mga punong kahoy, ang  bahay na ito ay binubuo ng halos mga salamin na pader at mga kurtina na kung saan ay kanilang isinasara kung sakaling gusto na nila na mapag-isa na kadalasan naman ay ginagawa nila ito tuwing gabi.

 Top 8 of Japan's Coolest House Architecture – Pixelated Planet

2. Scateboard House-  hindi natin maikakaila na karamihan hindi lang sa mga kabataang pinoy ay talagang nahuhumaling sa larong skateboard, kaya kung ikaw ay isa sa mga taong iyon na nahuhumaling sa larong ito ay tiyak magugustuhan mo ang kakaibang bahay na ito na matatagpuan sa Malibu, California. Ito ay pagmamay-ari ni Pierre Andre Senizergues, isang dating skateboarding world champion na kung saan ay ang disenyo ng kanyang bahay ay parang isang higanteng skateboard rink. Ayos dba?

Skateboard House in Malibu designed by a boarder, for a boarder

3. Keret house, isa sa binansagang pinaka manipis na bahay sa buong mundo na kung saan ay meron lamang itong lapad na 28 inches, imagine?  May mga bagay nga namanna dapat talag ang ipagsisiksikan kung alam mong maganda ang kahihinatnan, kaya kung alam mong masaya na sya sa kanya wag muna ipagsiksikan ang iyong sarili, hehe joke lang mga kaibigan. Ito ay sariling disenyo ng may-ari  at nag-iisang nakatira sa bahay na ito na si Jakub SzczÄ™sny, sabi nyaay gusto nyang makasiguro na walang masasayang na mga bakante sa mga urban spaces kaya nagawa nyang ipagsiksikan ang sarili este ang kanyang bahay sa dalawang magkabilang gusali.

A Slice of a House in Poland | Houses in poland



4. Hobbit House- ikaw ba ay isang fan ng Lord of the Rings o kahit hindi ka fan nito ay napanood mo na ang fictional na movie na ito, marahil ay nakita mo na sila, ang mga hobbit, sila ay mga fictional na character sa Lord of the rings na kung saan ay maihahalintulad mo sya sa anyo ng isang tao pero ang pagkakaiba ay kalahati lamang ang taas nila sa normal na tao at silay naninirahan sa isang underground na bahay na kung    ay ginawang makatotohanan ang disenyo ng bahay na ito ng isang photographer na nakatira sa Wales, isang bansa na bahagi ng UK o united kingdom, dahil nga sa pagkakahumaling niya at pagiging fan ng Lord of the Rings ginaya nya ang disenyo ng bahay ng hobbit, pero ang mas nakakagulat ay galing ang mga materyales sa mga purong natural na bagay at ang nagastos nya dito ay $5200 dollars kung sa PHP ay itoy humigit kumulang 265,000 pesos.

7 'Hobbit Homes' around the world | From the Grapevine

5.  Old Water Tower- ang 100 talampakang tore na ito ay matatagpuan sa belium na sya namang nasa bahagi ng kanlurang eyoropa, pangalan palang ay alam mo na na tubig ang nilalaman nito hindi ba? Pero hindi lamang tubig ang nasa loob ng tore na ito dahil ginawa din itong taguan ng mga militar ng nazi noong ikalawang pandaigdigang digmaan, at ngayun sa kasalukuyan ay ginawang kamangha-manghang tahanan ng Bham Design Studio, isang belgiam design firm sa bansang belgium.

A Rich Guy Buys A Water Tower And Turns It Into An Awesome House ...

6.  Brooklyn Clock Tower Home- ang pang- anim sa ating listahan ito ay matatagpuan sa New York City , hindi gaya ng mga naunang mga nabanggit natin na mga bahay ay kakaiba ang isang ito, dahil ang isang ito ay talaga nga namang napaka mahal, bukod sa ito ay mayroon lamang 7000 squarefoot na laki itoy nagkakahalaga lang naman ng $18 million dollars oh humigit kumulang 1 billion pesos, pero bakit kaya? Dahil ito lang naman ay matatagpuan sa tuktuk ng brooklyn’s tower at mayroon itong view ng buong new york city.

Brooklyn clocktower penthouse available for first time in 23 years

7. Flint Stone House- siguradong pamilyar ka rin sa isang american animated movie na the flintstones na kung saan itoy nag lalarawan ng pamumuhay sa panahon ng stone age, na kung saan ay sila ay naka tira sa isang kweba, ang bahay na ito na matatagpuan sa USA at hango ito sa bahay ng sikat na animated na movie na ito, ang istruktura ng bahay na ito ay tila ba binubuo ng mga malalaking bato kaya nagmimistuka itong isang kweba at meron din itong isang kama sa loob, ito’y pagmamay-ari ng isang television legend na si Dick Clark at ngayun ay ibenebenta niya ito sa halagang $3.5 million.

 World's Smallest House? 1 Sq M of Mobile Living Space | Urbanist
8. 1 Sq Meter House-  ito ang tinaguriang worlds smallest 1 sq meter house, kung ikaw ay isang tao na mayroong closetrophobia oh takot ka sa mga masisikip na lugar ay kaibigan wag kana tumira dito, dahil siguradong masisikipan ka lang sa bahay na ito, ang bahay na ito ay matatagpuan sa bansang Germany, ito ay gawa ng isang arkitek na si  Bo Le-Mentzel, ang  istruktura ng bahay na ito ay gawa sa kahoy na kung saan ay sumasakop lamang sya ng 1 sq meter na space, dahil nga ito ay isang maliit lamang na bahay , ito ay merong isang mekanismo na kung saan maari mo itong i posisyon na nakatayu o nakahiga, ang bahay na ito ay meron nga naman lang 40 kilos na bigat at meron din itong mga gulong upang madali mo itong maililipat.


9. Slide House- hindi na tayo bata mga kaibigan, pero pero kung ikaw ay makakatira sa bahay na ito ay sgurong iisipin mo na para ka na ring bumalik sa pagkabata, dahil ang kakaibang bahay na ito ay mayroong slides na syang ginanagamit upang makababa at makapunta sa ibat-ibang bahagi ng 3 floor na bahay na itoat syempre meron din itong hagdanan sa kabilang bahagi nitokung sakaling gusto mo nlang mag hagdanan. Ito ay disenyo ng Japanese Studio LEVEL Architects, at matatagpuan ito sa Meguro-ko, isang munisipalidad sa Tokyo, Japan. Ikaw kaibigan? Kung makakapunta ka sa bahay na ito? Maghahagdan kaba oh mag saslide nalang? Ibahagi mo naman sa ating comment section.

Slide House / LEVEL Architects | ArchDaily
10. Church Home- Ang bansang pilipinas ay talaga nga namang mayaman sa kultura at tradisyon, lalong-lalo na sa mga paniniwala at relihoyon, bilang isang bansang binnubuo ang populasyon na may 85 porsyentong kristyano, ay marahil alam na natin na ang ating mga simbahan ay isa sa ating sentro ng pagsamba ng ating relihiyon, pero alam nyo ba? Na sa ating huling listahan ay talaga nga namang napaka kakaiba ng bahay na ito, dahil ito lng naman ay isang bahay na dating simbahan at ginawang modernong tahanan, ang abandonadong simbahan na ginawang bahay na ito ay matatagpuan sa Utrecht, Netherlands, ito ay disensyong gawa ng zech architecten,ginawa nilang isang modernong bahay ang loob na bahagi nito kung kaya naman ay kung iyong pagmamasdan mula sa labas ay aakalain mo talga na isa lang itong simbahan. ikaw? Sa palagay mo isa ba itong kabastusan sa tahanan ng diyos? Pero ayon naman sa kanila ay libo-libong mga simbahan simula pa noong 1970 ay abandonado’t hindi na ginagamit at pinasara na ng mga tao, kaya ay ginamit nalang nila ito dahil para sa kanila ito nalang ang isang paraan para ma pigilan ang pagkasira ng mga makasaysayang simbahan na ito.





Comments